Curfew sa Metro Manila, aalisin na

Share this information:

Aalisin na simula bukas ang umiiral na curfew sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, pumayag na ang mga alkalde sa pag-aalis ng pangkalahatang curfew pero ipatutupad pa rin ito sa mga menor de edad, depende na sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

“Pumayag ang mga mayor na ili-lift ang curfew starting this November 4, subject to, however, meron silang curfew on minors yung iba. So, existing pa rin ‘yung ibang may curfew on minors. We respect that. Pero generally ‘yung curfew overall, wala na po by November 4 sa Metro Manila,” ani Abalos.

Sinabi ni Abalos na ang desisyon ng Metro Manila mayors ay kasunod na rin ng pagpayag ng mga operator ng malls na habaan ang oras ng pagbubukas ngayong holiday season.

Inihirit din kasi ng mga mall operator na maalis o mapaigsi ang oras ng curfew at madagdagan ang kapasidad ng mga pampublikong transportasyon para sa kanilang mga empleyado na uuwi ng alanganing oras. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.