Curfew sa adults, inalis na sa Navotas

Share this information:

TINANGGAL na ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang curfew nito para sa mga adult kasunod ng ipinapatupad na Alert Level 2 sa Metro Manila.

Pinirmahan na ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance No. 2021-56 na nagpapawalang bisa sa 12:00 mn – 4:00 am curfew sa lungsod, alinsunod din sa Metro Manila Development Authority (MMDA) Resolution No. 21-25 Series of 2021.

“Now that more businesses are open and operational hours of malls, restaurants and other establishments are extended, we need to make the necessary changes to support our working constituents,” saad ni Tiangco.

Gayunman, muling ipinatupad ng Navotas ang 10:00 pm – 4:00 am discipline hours para sa mga menor de edad sa bisa ng City Ordinance No. 2021-60 at may kaukulang parusa sa mga lalabag sa disciplinary hours.

Sa una at ikalawang beses na paglabag, kailangang dumalo sa counseling sessions ng mga miyembro ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) at ang kanilang mga magulang o guardians ay kailangang kumpletuhin ang 24 at 48 oras na community service.

Para sa ikatlo at kasunod na mga paglabag, ang menor de edad ay ibibigay sa Social Services Development Department (SSDD) para sa kinakailangang pagpapayo at tamang disposisyon.

Sa kaso ng mga menor de edad na nakatira sa ibang mga lungsod, gagawin din ang pagpapayo bago ibigay sa kani-kanilang BCPC o SSDD.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

BSP denies issuing new banknote designs

Tue Nov 9 , 2021
IN response to a supposed social media post that displayed a commemorative banknote, the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) denies issuing any new banknote designs or a new design series. The central bank, in an advisory, issued the response after the 500-peso banknote was first posted on a satirical news […]
%d bloggers like this: