Cruise ship tourism balik na – PPA

MAKARAAN ang tatlong taong pagkakasuspinde dahil sa travel restriction dulot ng COVID-19, ang “cruise ship tourism” sa Pilipinas ay muling magbabalik ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Ayon sa PPA, nitong Huwebes nagsimula ang operasyon ng cruise ship at kabilang sa mga lugar na bibisitahin ay ang Ilocos Sur, Palawan, at Bohol mula Pebrero 9-14.

Inaasahan naman na palalakasin nito ang turismo sa bansa at lilikha ng mas marami pang trabaho lalo na sa mga rehiyon.

It is about time that we live with the new normal and the PPA is proud to welcome again these international luxury ships to our shores as we bounce back from the effects of the pandemic,” ayon kay PPA General Manager Jay Santiago.

Nabatid na dumaong na sa Port of Coron, Palawan ang MV Seabourne Encore na may sakay na mahigit 500 panauhin mula sa Estados Unidos, United Kingdom, Germany, Australia at Canada. Mayroon itong kabuuang 452 na mga tripulante, kung saan 201 ay mga Pilipino.

Dadaong naman sa Port of Tagbilaran, Bohol ang MV Silver Shadow sa Pebrero 11 na may sakay na 392 panauhin, habang ang cruise ship na MV Silver Spirit ay nakatakdang dumaong sa Port of Salomague, Ilocos Sur sa Pebrero 14, Araw ng mga Puso. Mayroon naman itong sakay na 500 panauhin mula sa USA at sa Europa.

Noong 2019 bago ang pagtama ng pandemya, umaabot sa 48,100 turista ang dumating sa port ng Salomague, Coron at Tagbilaran mula sa mga cruise ship.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.