Crematorium facility sa Manila North Cemetery, nasunog

Nasunog ang isang single-storey crematorium facility na matatagpuan sa Manila North Cemetery kaninang Martes ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa unang alarma ang naturang sunog.

Tinatayang aabot sa P20,000 ang pinsala ng sunog at wala namang napabalitang nasaktan sa insidente.

Nagsimula umano ang sunog sa kanang gitnang bahagi ng human incinerator crematory equipment.

Patuloy namang iniimbestigahan ang pangyayari.

Ang crematorium facility ay pag-aari ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

(Photo credit: gulfnews.com)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.