COVID-19 vaccine simulation, isinagawa sa Bataan

Share this information:

BALANGA CITY — Nagsagawa ng COVID-19 vaccine simulation ang Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC) upang matiyak ang kahandaan para sa maayos na proseso ng pagbabakuna nga mga frontline health worker.

Pinangunahan ito ni BGHMC Chief of Hospital, Dr. Glory Baltazar, kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Health (DOH Region 3) na pinamumunuan naman ni Maricel Lapid, at masusing isinagawa ang limang hakbang ng proseso sa pagbabakuna. 

Siniguro naman ni Dr. Baltazar na magiging ligtas at mahusay ang proseso ng pagbabakunang gagawin sa probinsya dahil masusi itong pinag-aaralan.

Idinagdag din niya na may sapat na kahandaan ang mga ospital, maging sa mga emergency situations.

Matapos ang simulation, nakipag-ugnayan ang BGHMC sa DOH at iba pang ahensya ng pamahalaan upang maibigay ang kanilang mga mungkahi para sa mas mahusay na vaccine rollout sa lalong madaling panahon. 

Nauna rito ay naglaan ang pamahalaang panlalawigan ng Bataan ng isang bilyong piso para sa COVID-19 vaccination program kung saan napagdesisyunan na ang Moderna COVID-19 vaccine ang bibilhin ng Bataan-LGU para sa inisyal na mga benepisyaryo na kinabibilangan ng frontline health workers, senior citizens at indigent residents. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.