“Ang Dating Daan” leader Eli Soriano, pumanaw na

Share this information:

PUMANAW na ang pinuno at nagtatag ng religious group na “Ang Dating Daan” na si Eli Soriano sa edad 73.

Ito ang nakumpirma sa ipinalabas na pahayag ng grupo sa kanilang social media account.

“It is with deep sadness, yet with full faith in the Almighty, that we announce the passing of our beloved and one and only Bro. Eliseo “Eli” Soriano – a faithful preacher, brother, father, and grandfather to many,” ayon sa “Ang Dating Daan.”

“The life story of Bro. Eli is an open book to many of us. We are witnesses to his dedication and tireless efforts to propagate the undefiled words of God in the Bible,” dagdag nito.

Ayon pa sa pahayag, nagsimula ang pangangaral ni Soriano sa  Guagua, Pampanga na umabot sa Brazil at iba pang western countries.

“His life and efforts have become instrumental in the fulfillment of the long hidden prophecy in the Holy Scriptures that ‘For from the rising of the sun even unto going down of the same my name shall be great among the Gentiles; and in every place incense shall be offered unto my name and a pure offering: for my name shall be great among the heathen, saith the Lord of hosts (Mal. 1:11),” batay pa sa kalatas ng grupo.

Tiniyak naman ng mga miyembro at opisyal ng grupo na kanilang ipagpapatuloy ang mga programa at proyektong sinimulan ni Soriano.

“Up to the last moment of his life, Bro. Eli was able to fulfill his vow to the Almighty that manifests in his love to serve the brethren. ‘And I will gladly spend and be spent for you; though the more abundantly I love you, the less I be loved (2 Cor. 12:15),” ayon pa sa grupo.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang Malakanyang sa naulilang pamilya at mga nagmamahal sa lider ng “Ang Dating Daan.”

“We extend our condolences to the bereaved family, friends, loved ones and followers of Bro. Eliseo “Eli” Soriano,” pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque.

“His dedication to propagate the words of God in the Bible was a clear testament of his steadfast love to serve his brethren and the Almighty,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

COVID-19 vaccine simulation, isinagawa sa Bataan

Fri Feb 12 , 2021
BALANGA CITY — Nagsagawa ng COVID-19 vaccine simulation ang Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC) upang matiyak ang kahandaan para sa maayos na proseso ng pagbabakuna nga mga frontline health worker. Pinangunahan ito ni BGHMC Chief of Hospital, Dr. Glory Baltazar, kasama ang mga kinatawan mula sa Department of […]

Follow Us

%d bloggers like this: