COVID-19 vaccine ng Moderna Inc., may EUA na mula sa US FDA

Share this information:

ANG bakuna kontra COVID-19 na nilikha ng kumpanyang Moderna Incorporated ang ikalawa sa nakatanggap ng emergency use authorization o EUA mula sa U-S Food and Drug Administration.

Nakikipagtulungan na ang nasabing biotech company sa pamahalaan ng Amerika upang ihanda ang distribusyon ng 5.9 milyong shots ng bakuna ngayong weekend.

Ang desisyon ng U-S FDA ay batay sa resulta ng pag-aaral sa 30,000 volunteer na nagpagturok ng bakuna at natukoy na halos 95-porsyentong epektibo at naiwasang mahawa ng COVID-19 nang walang seryosong epekto.

Unang nabigyan ng EUA ang bakuna ng Pfizer at ng German partner nito na BioNTech SE at ginamit sa mga US healthcare worker sa inilunsad na nationwide vaccination ngayong linggo.

“With the availability of two vaccines now for the prevention of COVID-19, the FDA has taken another crucial step in the fight against this global pandemic that is causing vast numbers of hospitalizations and deaths in the United States each day,” pahayag ni FDA Commissioner Stephen Hahn, M.D.

Nabatid na gagamitin ang bakuna ng Moderna sa mga malalayong lugar sa U-S tulad ng rural hospitals.

Hindi na kasi kakailanganin ng ultra-cold temperature ang bakuna ng Moderna at sasapat nang maibiyahe kahit naka-frozen o sa ilalim ng temperatura ng ordinaryong refrigerator.

Aabot sa 20-milyong doses ng bakuna para ngayong taon ang nabili ng US government sa Moderna at kabuuang 200-milyong doses hanggang sa katapusan ng Hunyo 2021.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.