DALAWA ang iniulat na nasawi sa pagguho ng lupa sa bayan ng Mahaplag, Leyte sa gitna pa rin ng pananalasa ng bagyong Vicky.
Ayon kay Mahaplag Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Engineer Erwin Wali, bandang ala-una kaninang madaling araw nang gumuho ang bahagi ng highway sa Barangay Kuwatro de Agosto at natangap ang dalawang bahay na nasa gilid nito.
Wala nang buhay nang makuha mula sa gumuhong putik at bato ang magkapatid na nakilalang sina Junilinda Milano, 62 taong gulang, at Evelina Laraño, 67-taong gulang.
Nakaligtas naman ang dalawang iba pa na nakilalang sina Ryan Amos at Godofredo Laraño, Jr.
Patuloy nang minumonitor ng disaster officials ang mga itinuturing na flood at landslide-prone area dahil sa ibinuhos na malakas na pag-ulan ng bagyong Vicky sa nakalipas na magdamag.