COVID-19 saliva test ng PRC, aarangkada sa Lunes

Share this information:

GAGAMITIN na ng Philippine Red Cross simula bukas ang kanilang COVID-19 saliva test na una nang inaprubahan ng Department of Health.

Ayon kay Dr. Paulyn Ubial, head ng PRC biomolecular laboratories, magiging available ang saliva COVID-19 test nito sa molecular laboratories sa Mandaluyong City at Port Area sa Maynila.

Sa darating na Pebrero 5 naman ay target ng PRC na magkaroon ng saliva test sa lahat ng labing-tatlong molecular laboratories nito sa bansa.

Nagkakahalaga ng P2,000 ang saliva test ng PRC o mas mura sa gold standard na RT-PCR test.

Ayon sa PRC, ang resulta ng pagsusuri sa laway ng tao kung may COVID-19 virus o wala ay malalaman pagkatapos ng tatlong oras. Pero tatlumpung minuto bago magpasuri, hindi muna pupuwedeng uminom, magmumog, kumain, manigarilyo o kahit mag-vape ang kukuha ng saliva test.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Tampisaw sa ulan

Sun Jan 24 , 2021
IN PHOTO: SA kabila ng pagbabawal ng Quezon City government ay nagsilabasan mula sa kani-kanilang tahanan ang mga bata upang maglaro sa gitna ng kalsada habang bumubuhos ang malakas na ulan kaninang hapon na tumagal ng mahigit dalawang oras.

Follow Us

%d bloggers like this: