COVID-19 cases sa Pilipinas, mahigit 370,000 na – DOH

Share this information:

TUMATAAS pa ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitatala sa nakalipas na limang araw.

Sa tala ng DOH 2,223 ang dumagdag sa mga kaso ngayong araw kaya’t umabot na sa kabuuang 370,028 ang confirmed COVID-19 cases sa bansa.

Bumaba sa 35,015 ang active cases sa bansa matapos makapagtala ng 14,944 recoveries ngayong araw at umabot na ngayon sa 328,036 ang total recoveries.

Halos umabot na sa 7,000 ang namatay sa virus matapos madagdagan ng 43 ngayong araw.

 Ang Quezon City pa rin ang nangunguna sa may naitalang maraming kaso ng virus, sumunod ang Laguna, Rizal, Cavite at Batangas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.