COVID-19 cases sa NCR, posibleng lumobo ngayong holiday season – OCTA

Share this information:

MAY posibilidad na lumubo pa ang mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region ngayong holiday season.

Babala ito ng OCTA Research Group kasunod ng kanilang namonitor na reproduction rate sa NCR na pumalo sa 1.09 nuong Disyembre 17 mula sa 0.90 nuong Disyembre 1.

Ang ibig sabihin umano nito ay mabilis ang pagkalat ng virus.

Nabatid pa sa OCTA Research na ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa NCR na hindi hihigit sa 400 kaso araw-araw ay sumipa sa halos 700 nuong Biyernes.

Kung pababayaan umano ang nasabing bilang, ibinabala ng research group na possible ang surge ng COVID-19 bases sa NCR ngayong holiday.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.