Breaking News

Share this information:

SINABI ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na pinag-aaralan na ang rekomendasyon ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno kaugnay sa “swab test upon arrival policy” sa mga returning overseas Filipinos (ROFs).

Ayon kay Vergeire, kung nagde-day 1 testing, ito ay isa sa dapat pag-usapan at pinag-uusapan na aniya ngayon dahil ang Office of the President ay natanggap na ang rekomendasyon mula sa iba’t-ibang government agencies kaugnay sa panukala ng Cebu province.

Aniya ang instructon ngayon ng IATF ay day 7 isinasagawa ang swab testing sa mga OFWs o ROFs mula nang sila ay dumating sa bansa.

Batay kasi sa inilabas na Executive Order ng Cebu provincial government hinggil sa mandatory swab testing kung saan  sa ilalim ng nasabing kautusan, sasagutin ng libre ng lokal na pamahalaan ang testing

Nitong nakaraang linggo naglabas din ng bagong memorandum ang lokal na pamahalaan kung saan dapat na ring itest sa ikapitong araw ang inmbound traveller sa lalawigan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: