Container management, tinututukan na ng BOC

Share this information:

BUMUO na ang Bureau of Customs (BOC) ng task group na tututok sa pagbabalik ng mga empty containers sa mga terminal yards at sa mga designated empty container yard depots. 

Makakasama ng task group ang mga kinatawan ng Association of International Shipping Lines (AISL).

Ayon sa BOC, nagsasagawa na rin sila ngayon ng pagaaral para maging automated ang monitoring ng paggalaw ng mga container, partikular ang pagbabalik nito sa mga concerned shipping lines para maiwasan ang pagsisikip sa mga imbakan nito.

Sa ilalim ng Customs Administrative  Order-9-2019 na ipinatupad ng Customs Memorandum Order 18-2022, ang mga empty container yard depots na isang uri ng Customs Facility and Warehouse (CFW) ay kinakailangang sumailalim sa accreditation process para sa higit na epektibong superbisyon at kontrol ng nasabing kawanihan.

Kinumpirma rin ng BOC na ang Electronic Tracking of Container Cargo (E-TRACC) ay nananatiling operational para matiyak ang integridad ng paglilipat ng mga containers, at maiwasan na maligaw ang mga ito.

Siniguro naman ng BOC sa publiko na ang kanilang ahensya ay mananatiling nakatutok sa kanilang mandato na pagandahin ang trade facilitation upang makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga stakeholders nito at sa taumbayan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.