Breaking News

Share this information:

TINUPOK ng malaking sunog ang isang commercial building malapit sa plaza ng lumang munisipyo sa Brgy. Wawa, Abucay, Bataan nitong Linggo ng umaga.

Base sa inisyal na ulat mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa second alarm ang sunog na nagsimula ganap na alas-8:20 ng umaga at naapula makalipas ang isang oras matapos rumesponde ang mga pamatay sunog ng Abucay, mula sa mga karatig-bayan kagaya ng Samal, Balanga City at SBMA Fire Department.

Maswerte namang walang nasaktan sa naturang sunog na sinasabing nagmula sa isang shawarma outlet dito.

Inaalam pa ng BFP ang pinagmulan ng sunog at halaga ng natupok na ari-arian.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: