TINIYAK ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang kahandaan nito sa mga pangyayari na may kinalaman sa halalan at plebisito.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na handa namang tumalima ang Comelec sa magiging desisyon ng Kongreso na ipagpaliban muna ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ang pahayag ay ginawa sa kabila na si Garcia ay pro election bilang isang election lawyer.
Sakali naman aniya na ituloy ang nasabing halalan ay handa pa rin naman ang Comelec para tugunan ang pangangailangan ng isang election.
Pagtitiyak din ni Garcia na mananatiling handa ang Comelec sakaling sabay ang BSKE at ang iba’t-ibang plebisito.
Ang pagpapaliban ng BSKE na itinakda sa Disyembre 5 ngayong taon ay isinusulong ng ilang mambabatas dahil na rin sa kalakihan ng pondo na matitipid sa oras na hindi ito matuloy.