AFP, may bago nang tagapagsalita

ITINALAGA bilang bagong tagapagsalita ng Armed Force of the Philippines (AFP) si Col. Medel Aguilar.

Si Aguilar ang siyang pumalit sa puwestong dating hawak ni Col. Ramon Zagala. Si Zagala ang siya na ngayong bagong pinuno ng Presidential Security Group (PSG) at nagsisilbi ding Senior Military Assistant to the President ni President Ferdinand Marcos Jr.

Humarap kanina si Col. Aguilar sa mga kasapi ng Defense Press Corps para sa isang “meet-and-greet” session.

Sinabi ni Col. Aguilar na ang AFP ay mananatiling committed sa tungkulin at trabaho nito, at ito ay ang protektahan at bigyan ng seguridad ang bansa.

Ipinagmalaki din ni Col. Aguilar na malayo na ang nagawa ng AFP sa kampanya nito laban sa mga rebelde kung saan mula sa 89 na guerilla front ay bumaba ito sa 23 ngayong 2022.

Bago italaga sa kanyang bagong puwesto, nagsilbi rin si Col. Aguilar bilang deputy commander ng Civil Relations Service ng AFP, at naging tagapagsalita din noong 2016 ng Cebu-based Central Command (CentCom) bago itinalaga bilang Philippine Army Provost Marshall noong 2019.

Si Aguilar ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1992.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.