SINAKLOLOHAN ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 16 na indibidwal na sakay ng motorbanca nang makaranas ito ng engine trouble sa baybayin sa bisinidad ng Barangay Tambler, General Santos City.
Sa ulat ng PCG, ang MB KENT PAUL ay nasiraan dahil sa malalaking alon at malakas na hangin habang naglalayag mula Balut Island sa General Santos City.
Ang may-ari ng naturang motorbanca ayon sa PCG ay tumawag ng rescue assistance.
Ang PCG team naman ay nagsagawa ng search and rescue (SAR) operation at dinala ang mga pasahero sa Purok Puting Bato, Barangay Calumpang, General Santos City.