Nakatakdang kumalap ng mga karagdagang tauhan at tumanggap ng mas maraming mga assets ang Philippine Coast Guard (PCG) upang lalong palakasin ang kakayahan nito.
Magsasanay ang PCG ng hanggang 4,000 tauhan ngayong taon habang hinihintay ang pag-ariba ng badyet mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Bukod dito, makakatanggap din ang PCG ng kahit dalawang 94-meter multi-role response vessel (MRRVs) mula sa Japan.
“Nakikipag-negotiate din ang PCG para madagdagan ang offshore patrol vessels (OPV) natin galing France,” ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo.
Ang tanging offshore patrol vessel ng PCG ay ang BRP Gabriela Silang na 84-meter OPV mula France.

