Breaking News

Share this information:

Nasa 11 katao na naging close contacts o nakahalubilo ng lalaking unang kaso ng UK variant ng COVID-19 sa Pilipinas ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na kabilang sa mga nagpositibo ay ang girlfriend ng 29-anyos na lalaki matapos ang re-swabbing sa kanya, gayundin ang nanay ng lalaki.

Ayon kay Vergeire, kasama rin sa nagpositibo sa COVID-19 ang siyam sa 159 na pasahero ng Flight EK 332 ng Emirates, na dumating noong January 7 at nakasama sa eroplano ng pasyente.

Mayroon ding isa na pasyente na napag-alaman na dati nang nagkaroon ng COVID-19 o recovering patient.

Sinabi ni Vergeire na ang samples ng mga nabanggit ay dinala na sa Philippine Genome Center (PGC) para masuri. Gayunman, sa sitwasyon ng swab test sa nanay ng lalaki ay aabot sa 30 ang CT value at hindi tiyak kung tatanggapin ng PGC.

Nabatid na ang lalaki naman na unang kaso ng UK variant ng COVID-19 ay nasa stable nang kundisyon at malapit na ring matapos ang isolation period. Samantala, sinabi ni Vergeire na mula sa anim na close contact ng lalaki na hindi pa nakakausap, may dalawa na umanong nahanap.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: