Breaking News

Share this information:

MAS maraming mamamayang Filipino ang tutol na pag-usapan sa Kongreso ang Charter Change o pag-amyenda sa Saligang Batas. 

Sa isinagawang pag-aaral ng  Veritas Truth Survey (VTS) sa may 600-online respondents sa buong bansa noong January 4 hanggang 8, 2021, lumalabas na 75 porsiyento sa mga respondent ang hindi sang-ayon na kagya’t na talakayin ang Cha-cha. 

Dalawampu’t-tatlong porsiyento naman sa mga sumagot ang pumapayag habang dalawang porsiyento ang “undecided.” 

Lumilitaw sa VTS na 8 sa 10 Pilipino ang ayaw na talakayin at paki-alaman ng mga mambabatas ang economic provisions ng 1987 Constitution.

Ayon kay Bro. Clifford Sorita, chief strategist ng VTS, ang resulta ng pag-aaral ay nagpapakita na mas dapat munang ituon ng mga mambabatas ang kanilang panahon sa ibang mga usapin. 

“Changing our Constitution is such a serious matter for the entire country, because it will determine the future of our country politically, that we must make the widest consultation on this regard for adequate information, discussion and education,” ayon kay Sorita. 

Binigyan diin naman ni Father Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas, na ang resulta ng VTS ay isang “wake-up call” na hangad ng mga Pilipino ang “authentic political transformation.”

Inihayag ni Father Pascual na ang damdamin ng mga Pilipino ay sumasalamin na lubhang kailangan na ang “character change” sa political system ng bansa.

“Character change must precede Charter Change. Having Charter Change without adequate ‘social change’ is like wearing brand-new clothes without even taking a bath,” ayon kay Fr. Pascual.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: