NABUKO ang isang babaeng Chinese national na nagpanggap na Filipino nang hulihin ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Buwan ng Hulyo 13, 2025, hinuli ng NBI-Cavite District Office (NBI-CAVIDO) at Bureau of Immigration (BI) si Wang Xiuji, pagdating sa NAIA mula sa Guangdong, China.
Ang kaso ay nag-ugat sa intelligence report na nakarating sa NBI-CAVIDO na nagsasaad na si Wang ay gumagamit ng pangalang Poliquit, Cassia Palma, at Wang ay iisa at ‘fake’ sa ilan sa kanyang mga transaksyon sa negosyo.
Base sa imbestigasyon, lumitaw na nakuha ni Wang ang isang Philippine passport sa ilalim ng nasabing Filipino name, batay sa certification na inisyu ng Office of Consular Affairs ng Department of Foreign Affairs, at Certificate of Live Birth sa pamamagitan ng late registration.
Nakakuha din ang NBI sa Securities and Exchange Commission (SEC) na nakapagtayo ng ilang kumpanya si Poliquit bilang Pilipino, sa kabila ng isa siyang Chinese national batay sa Special Investor’s Resident Visa (SIRV) sa Bureau of Investment.
Ayon pa sa NBI natukoy din ng Dactyloscopy Division, sa comparative examinations and analysis ng fingerprint kay Poliquit sa NBI Clearance at DFA Passport Application naman ng Wang ay tugma o iisang tao lamang
Nagsampa na ng reklamo ang NBI-CAVIDO para sa mga paglabag sa Article 172, kaugnay ng Article 171, paragraph 4, at Article 178 ng Revised Penal Code, at Section 19(b)(1) at (c)(1) ng Republic Act 8239, o ang Philippine Passport Act of 1999, bago ang Philippine Passport Act of 1999.
Sinabi naman ni NBI Director Jaime Santiago na maaaring isa pang kuwento ng “Alice Guo” ang madidiskubre ng naturang ahensya.

