ARESTADO ng NBI ang limang indibidwal na sangkot sa iligal na notary public activities sa Davao City nitong Lunes, kaugnay sa reklamong natanggap mula sa Davao Chapter -Integrated Bar of the Philippines (IBP), Office of the Executive Judge.
Ayon sa direktiba ni NBI Director Jaime Santiago, isinagawa ang operasyon sa pamumuno ni Regional Director Atty. Arcelito Albao, ng NBI-Southeastern Mindanao Regional Office (SEMRO), nitong Hulyo 28.Sa Bolton, Magallanes at CM Recto sa Davao City, nadakip sa kawalan ng lisensya bilang abogado o commissioned notaries public.
Alas 4:00 ng hapon noong Hulyo 28 nagsagawa ng surveillance ang NBI-SEMRO nang mabisto ang mga lugar sa pakikipag-ugnayan sa mga Davao City Police Office (DCPO) at isinagawa ang entrapment operation.
Inihahanda na ang mga reklamong paglabag sa Public Documents, Usurpation of Authority at Notarial Act.

