Breaking News

Share this information:

ITINUTURING na “case solved” na ang naganap na holdapan sa loob ng isang sangay ng ChinaBank sa Paco, Maynila kamakailan, ayon sa pulisya.

Iprinisinta sa media ni Manila Police District (MPD) Director Brig. Gen. Leo Francisco ang suspek na sina Larry Carel, 32 anyos, isang truck driver at residente ng Phase 2 Pkg. 3, Blk 70 Lot 23 Bagong Silang, at Ryan Sale, 28 anyos, ng 28 Palanza St., Brgy. Doña Imelda, Quezon City.

Ayon sa pulisya, nahuli ang dalawa sa follow-up operations ng MPD alas-2:30 ng hapon noong Setyembre 27,2021 sa isang gasoline station sa Angelina Cananay Avenue,  Parañaque City.

Ayon kay Francisco, natunton ang mga suspek sa pamamagitan ng isinagawang backtracking ng mga CCTV kung saan nakita ang van ng Transportify Mitsubishi L300 van na pag-aari ng Belgrado Trucking na may plakang NCW 2751.

Ang nasabing van ay nakaparada sa Paz Guazon kanto ng Mendiola Street, Maynila ilang oras bago naganap ang panghoholdap sa bangko.

Matapos ang panghoholdap ay kaswal lang na naglakad ang pangunahing suspek at sumakay sa motorsiklo saka nagtungo sa kinaroroonan ng van.

Pagsapit sa lugar, ipinasok ang nakulimbat na pera na nagkakahalaga ng P690,000 at ang motorsiklo ay isinakay din sa loob ng van.

Mariin namang itinanggi ng mga suspek ang insidente at sinasabing wala silang kinalaman sa panghoholdap.

Sa ngayon, patuloy pang hinahanap ng pulisya ang pangunahing suspek na nagpanggap na mag-bubukas ng bank account bago nagdeklara ng holdap.

Ayon kay MPD Spokesperson Capt. Philipp Ines, tukoy na rin ang pagkakakilanlan nito ngunit hindi pa maaaring banggitin ang kanyang pangalan dahil sa patuloy pa ang follow-up operation.

(PHOTO CREDIT: Manila Police District Facebook page)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: