Breaking News

Share this information:

KINUMPIRMA ni Cesar Chavez na nagbitiw na ito bilang Chief of Staff ni Manila Mayor Francisco Domagoso.

Ayon kay Chavez, naging epektibo ang kanyang pagbibitiw nitong Oktubre 1 upang bigyang daan ang pagbabalik nito sa broadcasting.

Sa  kanyang  Facebook post, isinaad ni Chavez ang dahilan ng kanyang pagbibitiw bilang chief of staff ni Domagoso.

MBC (Manila Broadcasting Company) management has actually offered me a position as early as March this year, and this was announced in a general staff mtg (meeting) of DZRH about 6 months ago,” saad ni Chavez.

Ayon kay Chavez, ipinabatid nito kay Domagoso ang alok sa kanya ng Manila Broadcasting Company (MBC)  kung saan tinanggap naman ito ng alkalde.

I told Mayor Isko about the offer, and my intention to accept the same. Salamat Yorme sa pag-unawa, at pagkakataon makapagtrabaho sa Maynila. Napakaraming magagaling at matitino sa city hall. Maraming salamat sa inyo,” dagdag pa ni Chavez.

Sinabi ni Chavez na wala siyang pagsisisi na naging chief of staff ni Domagoso.

Inamin nito na masaya siya sa kanyang pagbabalik sa una niyang larangan na minahal at iyon ay ang radio broadcasting.

“I committed to MBC management that I intend to stay with the company until my retirement age,” ayon pa kay Chavez. 

Ayon naman kay Domagoso, maluwag niyang tinanggap ang pagbibitiw ni Chavez dahil na rin sa isyu ng kalusugan nito at pamilya.

Sinabi nitong kapag pamilya na ang dahilan, hindi na niya ito pinipigilan dahil kaya naman nagtatrabaho ang isang tao ay para din naman ito sa kanyang pamilya.

Samantala, pinabulaanan naman ng political strategist ni Domagoso na si Lito Banayo ang alegasyon na kaya bumitiw si Chavez ay dahil sa hindi pagkakaintindihan nito sa campaign team ng alkalde.

“Masyado namang inaangguluhan ng intriga ang pagbabalik sa MBC-DZRH ni Cesar Chavez na hindi lang kaibigan, kundi inaanak ko sa kasal,” ani Banayo. 

(PHOTO CREDIT: Cesar Chavez Facebook page)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: