Chief of Police ng Lucban, nang “manyak” ng kapwa pulis, sibak sa pwesto

CAMP VICENTE LIM, Calamba City, Laguna – SINIBAK sa pwesto ang hepe ng Lucban Municipal Police Station (LMPS) na si Police Major Rizaldy  Merene dahil sa kasong sexual harassment na isinampa ng isang babaeng pulis na hindi na pinangalanan.

Base sa ulat,nangyari ang nasabing insidente noong nakaraang Marso 25 ng gabi sa Barangay Wakas, Tayabas City.

Sa pahayag ni Pol. Col. Ericson Dilag, Acting Provincial Director ng Quezon Province, ”This act is not virtue of a responsible ,respected and disciplined police officer followung the PNPs intensified Internal Cleansing Program.

Pansamantalang papalit si Police Major Lauro Moratillo bilang Chief of Police ng Lucban MPS habang si Merene ay mananatili muna sa Quezon Provincial Holding and Accounting Section (PHAS) habang dinidinig ang kanyang kasong criminal sa City Prosecutors Office ng Tayabas City bukod pa ang kinakahrap na kasong administratibo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.