UMABOT na sa 59 Barangay Chairman sa Maynila ang humiling na isailalim sa lockdown ang kanilang nasasakupan dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.
Ito ang kinumpirma ni Manila Barangay Bureau Chief Romeo Bagay.
Ayon kay Bagay,matapos ianunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na binibigyan niya ng kapangyarihan ang mga Barangay Chairman na magdeklara ng sariling lockdown sa kanilang nasasakupan, ay marami ng Chairman ang kaagad na inimpormahan ang MBB hinggil sa plano nilang lockdown.
Dagdag pa ni Bagay, sa sandaling mag request ng lockdown ang Batangay Chairman ay kaagad naman itong inaaprubahan ni Moreno at saka ipinapaalam din sa Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).
Paliwanag ni Bagay, 4 na araw lang ang maximum period ng localized lockdown at magkakaiba rin ang petsa nito dahil nakadepende sa request ng Barangay Chairman.
Kaagad din iniimpormahan si Manila Police District (MPD) Chief Gen. Leo Francisco para m makapagpadala ng mga pulis sa mga lugar na isasailalim sa lockdown.

