Campaign materials na nakakabit sa hindi awtorisadong lugar, tatanggalin ng Comelec

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na lahat ng mga poster at tarpaulin ng mga kandidato para sa pambansa at lokal na posisyon na nakakabit sa mga hindi awtorisadong pampublikong lugar ay maaari nang alisin.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na ang sakop lamang ng Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema laban sa Oplan Baklas ang iyon lamang mga nakakabit sa pribadong lugar.

Sa Marso 25 naman ay simula na din ng panahon ng kampanya para sa lokal na mga posisyon.

Dagdag ni Garcia, ibig sabihin nito na sakop na ng patakaran sa pagkakabit at pagtatanggal ng campaign materials ang mga kandidato sa pagka-gobernador hanggang konsehal sa mga lalawigan, bayan at lungsod.

Kaya naman lahat ng poster at tarpaulin na nakakabit sa mga hindi awtorisadong pampublikong lugar ng mga kandidato sa lokal at pambansang posisyon ay maaari nang alisin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.