Bulkang Kanlaon, abnormal pa rin ang mga aktibidad – Phivolcs

NAGPAPAHIWATIG lamang na abnormal ang kondisyon ngayon ng bulkang Kanlaon sa Negros Oriental na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Kasunod ito ng naitalang tatlong volcanic quake sa Kanlaon sa mga nakalipas na oras at ilang aktibidad.

Ayon kay Phivolcs Director Undersecretary Renato Solidum, hindi maiaalis ang posibilidad na magbuga ng usok ang Kanlaon dahil sa pagkulo ng tubig na epekto ng mainit na ilalim ng bulkan.

Ngunit wala naman aniyang dapat ika-alarma pa sa ngayon lalo na kung hindi pumapasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone ang mga residente.

Batay din aniya sa kasaysayan, mahihina lamang ang naging mga pagsabog ng bulkang Kanlaon maliban nuong mid-90s na may mga namatay na tao na nagpunta sa tutok at tinamaan ng mga bato at abo.

Pero diin ni Solidum, kailangan pa ring maging alerto at regular na mag-monitor ang mga nasa paligid ng bulkang Kanlaon dahil hindi pa nararanasan ang matinding pagsabog nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.