BuCor chief, pinaplano nang sampahan ng kaso

PINAGPAPLANUHAN  na ng pamilya Mabasa na sampahan ng kasong administratibo at kriminal si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag hinggil sa pagkamatay ng broadcaster na si Percy Mabasa o Percy Lapid.

Ayon kay Atty. Bertini Causing, abugado ng pamilya Mabasa, magbabase sila sa pahayag ng confessed gun man na si Joel Escorial kung saan kundi dahil sa kapabayaan ni Bantag ay hindi makakapasok ang cellphone sa loob ng bilibid at walang magagawang transaksyon para mapatay si Mabasa. 

Ito aniya ang magiging dahilan ng administrive case laban kay Bantag liban pa sa posibilidad na criminal case na “reckless imprudence resulting to murder.”

Hindi naman nagbanggit ang abugado kung kailan nila planong isampa ang nasabing mga kaso. 

Kasabay nito ay nagpapasalamat din aniya ang pamilya Mabasa sa ginawang hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na suspindihin si Bantag sa kanyang pwesto.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.