Breaking News

Share this information:

HINDI na iaanunsyo sa publiko kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang ituturok sa mga taong pipila sa bakunahan ng mga lokal na pamahalaan.

Ipinaliwanag ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ito ay upang maiwasang dumugin ang vaccination site lalo na kung Pfizer o pinipiling brand ang naka-schedule.

Ang pahayag ni Cabotaje ay kasunod ng pagdumog ng mga tao sa isang mall sa Paranaque City nang malaman na bakuna ng Pfizer ang available na ituturok.

“Maybe one of the strategies that can be done is hindi na i-a-announce kung anong bakuna ang ibibigay,” ani Cabotaje.

Sa usapin ng karapatan na tumanggi, sinabi ni Cabotaje na ang binigyan lamang ng right of refusal ay ang nasa category A1 o health workers.

Pero ang iba pang populasyon na babakunahan ay kailangan nang tanggapin kung ano ang mayruon dahil hindi naman ibibigay ng gobyerno ang COVID-19 vaccines na makasasama sa mga tao.

“That has always been the principle. Ang binigyan lang natin ng right of first refusal, yung A1, ‘yung mga health workers kasi these are the vulnerable groups… also because of the fact that, at the beginning, ‘yung Sinovac was not recommended for health workers. Other than that, there should be no right of refusal. Kung ano ‘yung vaccine, kunin mo,” diin nito.

Samantala, naniniwala naman si Dr. Lulu Bravo, PH Foundation for Vaccination Executive Director, nagiging choosy o may brand preference ang ibang mga tao dahil kulang sila sa impormasyon na dapat tutukan ng gobyerno.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: