Breaking News

Share this information:

SA kabila ng presensya ng Delta variant at iba pang variant of concern, sinabi ng eksperto na hindi pa inirerekomenda ang  “booster shots” para sa COVID-19 vaccination sa ating bansa.

Sinabi ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases specialist at miyembro ng vaccine expert panel sa  Kapihan session ng Department of Health o DOH na kailangan pa ng datos na nagsasabi na kailangan ng boosting o booster shot matapos ang dalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Dr. Solante, maaaring sa susunod na taon o dalawang taon ay posible na ang booster, depende sa variants na susulpot.

Pero sa ngayon ay kailangan munang hintayin ang data mula sa ibang bansa na nag-aaral din hinggil dito.

Ayon pa kay Dr. Solante, sa ngayon ay wala pang nakikitang  mabigat na epekto ang variant sa bisa ng mga bakunang ginagamit o naiturok sa mga tao sa ating bansa.

Aniya, ang mga available na bakuna na gamit sa bansa ay napatunayang mabisa laban sa variant of concern.

Giit nito, mahalaga na mabakunahan  kontra COVID-19 ang nakararaming Pilipino hanggang sa makamit ang population protection.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: