Breaking News

Share this information:

DAHIL sa umano’y naririnig na mga bulong at sakit sa pag-iisip, nagpakamatay sa pamagitan ng pagbigti ang isang 32-anyos na lalaki sa Cavite noong Lunes ng hapon.

Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktimang si Joar Dequina, binata, ng 14 Nazareth Compound, Brgy Molino 3, Bacoor City, Cavite.  

Si Dequina ay natagpuang nakabitin ang leeg gamit ang isang water hose sa kisame sa loob ng  comfort room sa barracks ng Crown Asia sa Meadows 1 Extension, Camella, Springville Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite ng kanyang nakababatang kapatid na si Jomar dakong alas-2:30 kamakalawa ng hapon.  

Sa ulat ni PSSgt. Albert Badocdoc ng Bacoor City Police Station, pinuntahan ni Jomar ang kanyang nakatatandang kapatid upang hatiran ng kanyang pagkain sa barracks ng Crown Asia kung saan siya tumutuloy.

Pagdating sa lugar, napansin nito na sarado ang mga bintana at pintuan, dahilan upang puwersahang buksan nito at nakita ang kanyang kapatid sa loob ng comfort room na nakabitin ag leeg gamit ang water hose.

Ayon kay Badocdoc, ang biktima ay dating nagtratrabaho bilang construction worker sa Crown Asia subalit tinanggal umano siya dahil sa natuklasang may sakit umano sa pag-iisip at pag sinunsumpong ay nang-aaway umano ito ng kapwa niya trabahador.

“Pero kahit tinanggal siya sa trabaho ay pinayagan siyang tumira sa barracks ng Crown Asia dahil pag nasa bahay umano nila ay hindi siya nakakatulog dahil may mga ‘bumubulong’ umano sa kanya,” ayon kay Badocdoc.   

Dagdag pa ni Badocdoc, sinabi sa kanya ng kanyang mga kamag-anak na dati umano gumagamit ng shabu si Dequina at posibleng ang mga naririnig niyang bumubulong sa kanya ay epekto ng droga. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: