Breaking News

Share this information:

BUHAY na buhay ang Filipino billiard champion na si Efren “Bata” Reyes taliwas sa kumalat sa social media na pumanaw na ito.

Binigyang-diin ng anak ni Reyes na si Chelo sa kanyang Facebook account na fake news ang balitang namayapa na ang ama.

“Sa mga nagsshare at nakakabasa ng mga lumalabas na balitang patay na si tatay, huwag po kayo maniwala, FAKE NEWS lang po yan..,” ayon kay Chelo Reyes.

Kasabay ng hashtag na #DiNakakatuwa, sinabi ni Chelo na Diyos na ang bahala sa nagpapakalat ng maling balita tungkol sa kanyang ama.

Sa katunayan aniya ay kasama pa nilang nag-almusal ang tinaguriang Filipino magician.

Nagpost din si Chelo ng dalawang video ng nanunuod ng telebisyon si Mang Efren at sinabing “Ok lang ako” at ang isa ay naglalaro siya ng bilyar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: