Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Muntinlupa City, umakyat na sa mahigit 4,000

Share this information:

Nasa 4,070 mula sa dating 3,743, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus 2019 o COVID-19 sa Muntinlupa City.

Ito ay matapos madagdagan ng panibagong kaso na tinamaan ng nakamamatay na virus.

Kasama sa nasabing bilang ang 658 mula sa dating 702 active cases mula sa iba’t ibang mga Barangay sa lungsod.

Tumaas din ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa naturang sakit kung saan umabot na rin ito sa 3,280 mula sa dating 2,913 kabuuang bilang.

Samantala, nadagdagan ng apat mula sa 128 ang nasawi mula sa mga residente ng lungsod.

Habang umabot na rin sa 645 mula sa 595 ang dating bilang na maituturing na probable cases ng COVID-19 mula sa mga Barangay ng Tunasan Poblacion; Putatan; Bayanan; Alabang; Ayala Alabang; Cupang; Buli at Barangay Sucat.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.