Breaking News

Share this information:

TUMAAS pa ang bilang ng naitala na mga kaso na may Delta variant.na sinasabing mas nakakahawang strain ng COVID-19 disease.

Ayon sa University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), batay sa huling batch ng whole genome sequencing nito, may karagdagang 640 Delta (B.1.617.2) o 85.6 percent pa ang natukoy na variant case.

Sa kabuuan, mayroon nang 2,708 ang Delta case sa bansa.

Nasa 2,448 naman ang kabuuan ng Alpha case sa bansa matapos makapagtala pa ng 24 na bagong variant case.

Ang Beta variant case naman ay nadagdagan din ng 28 kaya umabot na ito sa kabuuang bilang na 2,725.

Lima naman ang naitalang mga kaso ng P.3 variant.

Ang nasabing mga variant ay natukoy mula sa 748 na samples na nasequence at isinumite ng 77 laboratoryo mula sa iba’t-ibang Regional Epidemiology and Surveillance Units (RESU) sa bansa.

Mula sa  karagdagang mga kaso na may Delta variant, 584 ang local case, 52 ang  Returning Overseas Filipinos (ROF), at apat pa ang biniberipika. 

Sa local cases na ito, ang top regions kung saan natukoy ang mga kaso ay sa National Capital Region na may  112 kaso,  Cagayan Valley na may 52, at CALABARZON na may 49 na mga kaso.

May dalawa namang natukoy na kaso sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

Para sa mga karagdagang kaso na may Alpha variant, 23 ang local case at isa ang ROF.

Local cases naman ang lahat ng naitalang Beta variant na na-tag bilang recovered.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: