Breaking News

Share this information:

SARADO pa rin sa mga motorista ang isang road section sa Ternate, Cavite, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang Ternate-Nasugbu Road sa Brgy. Sapang II, Ternate, Cavite ay hindi pa rin madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan dahil sa landslides base sa huling update ng DPWH ngayong umaga.

Inabisuhan naman ang mga motorista na dumaan na lamang pansamantala sa  Tagaytay Batangas via Tuy Road bilang alternatibong ruta.

Bukod dito, may lima pang kalsada na limitado naman ang access o piling mga sasakyan lamang ang maaring makadaan.

Kabilang naman sa mga kalsadang hindi pa madaanan o mga piling sasakyan lamang ang maaring dumaan ay ang mga nasa lalawigan ng Aurora, Nueva Ecija, Pampanga, Batangas, at Leyte dahil sa landslide, pagbaha at nasirang tulay at seawall bunsod ng bagyong Kiko at Jolina.   

Ang Nueva Ecija – Aurora Road,  Diteki River Detour Road ay baha pa rin at hindi madaanan kahit maliit na sasakyan habang ang  Jct. Pinagpanaan-Rizal Pantabangan Road, Bicos Bridge I, Brgy. Bicos, Rizal, Nueva Ecija ay isang lane lamang ang maaaring madaanan dahil sa nasirang tulay.

Ang Sto. Tomas – Minalin Road (Minalin – Macabebe Section) Telacsan, Macabebe, Pampanga ay binaha rin at bukas lamang para sa malalaking sasakyan.

Maaari lamang din madaanan ng maliliit na sasakyan ang Batangas-Tabangao-Lobo Road, Sta. at Jaro-Dagami-Burauen- Lapaz Road, Marabong Bridge, Brgy. Moging, Burauen, Leyte dahil naman sa nasirang seawall at bumigay na harang sa tulay.

Patuloy naman ang clearing operation ng mga Quick Response Teams ng DPWH  para sa muling pagbubukas ng apektadong mga kalsada sa lalong madaling panahon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: