BI, nagpatupad ng updated “Red” list

Share this information:

INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) ang updated Red list na kanilang ipapatupad alinsunod sa direktiba ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, bukod sa South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique, idinagdag ng IATF sa listahan ang mga bansang Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium at  Italy simula Nobyembre 28  hanggang  Disyembre 15.

Those coming from red list countries within the last 14 days prior to arrival shall not be allowed to enter the Philippines,” ayon kay Morente.

Dagdag ni Morente na ayon sa ruling ng IATF, pinapayagan ang pagpasok ng mga Filipino na tinulungan ang kanilang pagbabalik via government at  non-government repatriation at  Bayanihan flights. Gayunman, sasailalim pa rin sila sa health protocols na itinakda ng Bureau of Quarantine (BOQ).

Pero klinaro ni Morente na yaong mga nakasakay na na nasa Red List countries at makakarating bago November 30, ay maaring puamsok ng bansa  subalit sasailalim pa rin sila sa itinakda na BOQ protocols.

The IATF deemed it necessary to suspend the entry of foreign tourists, given worldwide concerns over the Omicron variant,” ayon kay  Morente.  “For now, the current general travel restrictions stand.  Only Filipinos, balikbayan, and those with long-term visas from green and yellow list countries may be allowed entry,” dagdag pa nito.

Sa parte ni BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong, pinaalalahanan nito ang mga airline companies na masusing inspeksiyunin nila ang mga dokumento ng mga biyehero bago sila mag-boarding upang masiguro na tanging ang mga pinapayagang makapasok ang makalipad dito sa bansa .

We are conducting 100% passport inspection to ensure that we see the complete travel history of the arriving passengers,” ayon kay Capulong. 

Aliens who are inadmissible but were allowed to board will be denied entry, and will warrant a penalty to the erring airline,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

DOH logs 665 new COVID-19 cases today, the lowest this year

Mon Nov 29 , 2021
THE Department of Health (DOH) on Monday recorded only 665 new COVID-19 cases in the country, the lowest number recorded so far this year and the lowest since July of last year. The lowest number of daily COVID-19 caseload recorded was in July 14, 2020 with only 634 new cases. […]
%d bloggers like this: