BI, binalaan ang mga dayuhang may pekeng quarantine booking

Binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang dumarating na mga dayuhan na may pekeng quarantine bookings kasunod ng pagpapatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) resolution na nagsususpinde  sa  pagpasok ng mga foreign nationals sa bansa.

Only certain classes of foreign nationals will be allowed starting today, until April 21,” said Morente.  “Despite this, we will still deport aliens who try to evade quarantine,” ayon kay Immigratiuon Commissioner Jaime Morente.

Babala ni Morente, mahigpit nilang ipatutupad ang mga patakaran sa pagdeport ng mga dayuhan na magpapakita ng pekeng quarantine bookings.

Binigyan diin ng komisyuner na magiging mas mahigpit sila sa pagtiyak na ang mga dayuhan ay magsumite ng wasto at lehitimong mga quarantine bookings dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Should foreign nationals be found to have faked their quarantine bookings, they may be referred by the Department of Tourism (DOT) back to the BI for the initiation of deportation proceedings, and they will also be blacklisted from the country,” ayon pa sa BI official.

Kaparehong babala din ang inilabas ng DOT noong Martes sa mga local tourist na pinipeke ang mga dokumento  tulad ng swab test results, na sila ay mabibilanggo ng hanggang anim na buwan.

Sa ngayon, ang mga Pilipino at kanilang asawa at mga anak ang papayagan na makapasok sa bansa basta’t ang dayuhan ay makapagpakita ng kaniyang valid at existing visa sa kanyang pagpasok sa bansa.

Pinapayagan ding pumasok sa bansa ang mga diplomat at miyembro ng international organizations, at kanilang dependents na may valid 9(e) visa o 47(a)2 visa, at foreign seafarers para sa crew change na may valid 9(c) visa.

Ang emergency at humanitarian cases ay papayagn din tulad ng naaprubahan ng  National Task Force NTF Covid-19, habang ang mga banyagang mamamayan na kasama sa medical repatriation  na inendorso ng Department of Foreign Affairs – Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA – OUMWA) and Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay papayagan din basta’t makakapagpakita ng valid visa sa kanilang pagpasok sa bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.