BFAR nagpalabas ng red tide warning sa Sorsogon at Masbate

Share this information:

NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bicol region sa panghuhuli, pagbebenta at pagkain ng shellfish mula sa mga baybayin ng Sorsogon at Masbate dahil sa natukoy na red tide toxin.

Ayon kay Nelson Bien, director ng BFAR Bicol, lumabas sa laboratory examination sa shellfish samples sa Sorsogon Bay sa Sorsogon at Asid Gulf sa bayan ng Mandaon sa Masbate na positibo ito sa paralytic shellfish toxin.

Pupuwede naman aniyang kainin ang mga isda, alimasag at pusit ngunit kailangang linising mabuti ang lamang-loob at hugasang mabuti bago iluto.

Nabatid din kay Nonie Enolva, tagapagsalita ng BFAR Bicol, na ang alamang at iba pang uri ng shellfish tulad ng tahong, carpet shell, pen shell, blood cockle, at oyster mula sa mga nabanggit na lugar ay hindi ligtas na ikonsumo ng tao.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.