BANGKAY na nang matagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Barangay Sabang, Polillo sa lalawigan ng Quezon, Martes ng umaga.
Ang mangingisdang si Raney Dingalan ang nakadiskubre sa palutang-lutang na plastic bag sa dagat na kanyang ipinagtaka kaya’t kinuha ito at sinakay sa bangka.
Laking gulat na lamang ni Dingalan nang makita na isang patay na sanggol ang laman ng plastic bag.
Agad itong ipinagbigay-alam sa kapitan ng barangay at naiparating sa himpilan ng pulisya.
Dinala ang bangkay ng sanggol sa Rural Health Office at nadiskubre na bagong silang pa lamang ito dahil sa nakitang inunan at umbilical cord nito.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy kung sino ang nagtapon sa bagong silang na sanggol