Barko, sumadsad sa baybayin ng Malimono sa Surigao del Norte

Share this information:

Sumadsad ang isang barko sa pampang ng baybayin sa Barangay Cantapoy, Malimono, Surigao del Norte.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nag abandon ship ang crew ng LCT Cebu Great Ocean.

Agad namang rumisponde ang mga tauhan ng PCG upang magsagawa ng search and rescue (SAR) operation sa sumadsad na barko.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, kaninang umaga ay may contact pa sa mga crew habang inaanod ang kanilang life raft dahil na malalaking alon.

May iniulat naman na dalawang nahiwalay sa iba pang crew.

Ayon pa kay Balilo, nahirapan ngayon ang SAR teams ng coast guard dahil sa malalakas na alon.

Samantala, naglabas na rin ng ”notice to mariners” ang PCG Station Surigao del Norte sakaling mamataan ang  umano’y mga nawawalang crew ng barko.

Lulan ng barko ay  tinatayang 2,000 litro ng diesel at mga nickel ore.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

New COVID-19 cases slightly lower today at more than seven thousand

Tue Apr 20 , 2021
The Department of Health (DOH) posted only 7,379 new COVID-19 cases today, according to its latest COVID-19 Case Bulletin # 402 issued today, April 20, 2021. The additional cases further pushed the number of COVID-19 cases in the country to a 953,106 total. Even recoveries posted higher numbers today with […]

Follow Us

%d bloggers like this: