Barangay Kagawad sa Laguna, timbog sa pagbebenta ng ilegal na droga

Share this information:

Arestado sa isang buy-bust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang barangay kagawad sa Barangay San Francisco sa bayan ng San Pablo, Laguna, Sabado ng madaling araw (September 19, 2020).

Nakilala ang suspek na si  Angelo James Javier Banaag ,29 anyos ng Barangay Tranca, Bay.

Nabatid kay Laguna Provincial Police Office (LPPO) Director Col. Serafin Petalio II, si Banaag ay nakuhanan ng ilang plastic sachet na naglalaman ng shaby ilang saglit matapos pagbentahan nito ang isang poseur buyer.

Narekober sa suspek ang 10 plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa mahigit P27,000 at isang P1,000 marked money.

Kumpiskado rin ng pulisya ang isang cal.45 baril na may magazine at 5 bala ,black holster at Yamaha Mio Sporty motorcycle na gamit sa pagbebenta ng droga sa lugar.

Dinala naman ang suspek sa Camp Paciano Rizal sa Sta. Cruz, Laguna at ang mga nakalap na ebidensya ay susuriin naman sa Provincial Crime Laboratory Office.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.