Barangay Chairman, tinaga ni kagawad, todas

Share this information:

Patay ang isang barangay kapitan matapos tagain ng kanyang kagawad sa Barangay Ibis, sa bayan ng Bagac, Bataan.

Sa inisyal na ulat, nakilala ang biktima na si Danny Boy Panganiban, punong barangay ng Barangay Ibis habang ang suspek ay nakilalang si Kagawad Edwin Panganiban.

Namatay habang ginagamot sa ospital si Kapitan dahil umano sa grabeng sugat na tinamo nito sa ulo.

Ayon sa ilang nakasaksi, lasing umano ang suspek nang mangyari ang krimen.

Nabatid na ang biktima at ang suspek ay magpinsang buo at inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naturang krimen.

Nasa kustodiya naman ng Bagac Police station ang suspek na nahaharap sa kasong murder.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.