Wanted na rebelde dahil sa kasong pagpatay, nasawi sa engkuwentro sa Camarines Sur

Share this information:

LEGAZPI CITY — Isa umanong ’y miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng pulisya sa bayan ng Bato, Camarines Sur Linggo ng umaga, Oktubre 18, 2020.

Ayon kay Police Colonel Roderico Roy Jr., hepe ng pulisya sa Camarines Sur, si Joan Marpega, ay nabaril at napatay ng mga awtoridad habang isinisilbi sa kanya ang warrant of arrest sa kanyang bahay sa Barangay Manga pasado alas dose ng madaling araw.

Agad umanong nagpaputok si Marpega sa mga pulis na dahilan naman para gumanti ang mga ito hanggang mapatay ang rebelde.

Narekober ng pulisya ang isang kalibre .38 revolver at isang granada.

Sinabi ni Roy na ang suspek ay sangkot sa engkwentro sa mga miyembro ng Philippine Army sa Barangay Mainit noong 2018 kung saan napatay nito si Second Lieutenant Jason Frederick Pasco at ikinasugat pa ng isang sundalo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.