Bangka na may dalang sigarilyong tangkang ipuslit sa bansa, nasabat ng BOC sa Zamboanga

ISANG motorized wooden craft na may lulang mga sigarilyo at hinihinalang smuggled ang nasabat ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-POZ).

Sa pinagsamang pwersa ng BOC Water Patrol Division (WPD) ang Enforcement and Security Service-Customs Police Division at Customs Intelligence and Investigation Service, ang maritime patrol operation na ito ay nagresulta sa pagkakasabat ng motor boat na FB JFM 2 sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City.

Nang inspeksyunin ang motor boat na kilala sa tawag na “jungkong,” natuklasan na may lulan ito na 482 na master case ng sigarilyo na may market value na P27.6 milyon.

Nabigo naman ang siyam na miyembro na crew ng FB JFM 2 na magpakita ng kinakailangang dokumento na magpapatunay na legal ang importasyon ng mga nakumpiskang sigarilyo.

Ang sasakyang pandagat at mga sigarilyo ay nasa pang-iingat na ng bureau habang ito ay iniimbestigahan.

(PHOTO CREDIT: BOC Facebook page)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.