MAKIKITA sa mga larawang ito ang sinapit ng ilang lugar sa lalawigan ng Bataan bago at matapos ang pananalasa ng matinding ulan at hangin dulot ng habagat.

Nagmistulang karagatan ang bahagi ng Plaza Mayor de Ciudad de Balanga dahil sa. matinding baha dala ng monsoon rains simula pa nitong Miyerkules ng gabi.


Ganito naman ang sitwasyon nitong Huwebes ng umaga sa ilang coastal at low-lying areas sa bayan ng Pilar, Bataan. Kaagad na nag-utos ng preemptive evacuation ang lokal na pamahalaan ng Pilar sa mga residenteng labis na naapektuhan ng matinding pagbaha.

Matapos naman ang pagbaha, ganito ang sitwasyon ngayon sa bahagi ng OG Road sakop ng Brgy. Tipo, Hermosa, Bataan kung saan nagkaroon ng landslide dahil sa malakas na ulan.

Sa ngayon ay nananatili namang passable ang nabanggit na kalsada base sa obserbasyon ni Geraldo Viloria na siyang nakasaksi sa lugar habang ibayong pag-iingat sa mga motorista ang panawagan naman ng mga awtoridad dito.

