Bagyong Rolly pumasok na sa PAR

NASA loob na ng teritoryo ng Pilipinas ang bagyong tinatawag ngayong Rolly.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong alas-5:30 ng Huwebes ng hapon nang pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

Itinuturing nang malakas na kategorya ang Severe Tropical Storm Rolly na kahit nasa labas pa lamang ng teritoryo ng Pilipinas ay nagpakita na ng lakas.

Tinataya ng PAGASA na kikilos ang bagyo pa-Kanluran patungong Quezon-Aurora area.

Posibleng itaas ang Signal No. 1 sa mga lalawigan sa Bicol region at sa Northern Samar sa Biyernes ng gabi. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.