Bagyong “Paeng,” aabot sa P2 bilyon ang naiwang pinsala sa imprastraktura — DPWH

Share this information:

AABOT sa P2.09 bilyon ang paunang pagtaya sa halaga ng pinsala ng mga imprastraktura kasama ang mga tulay, national road at flood control dahil sa bagyong Paeng.

Sa ulat nitong Huwebes mula sa  Department of Public Works and Highways (DPWH) Bureau of Maintenance, ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga national roads ay nasa P917.80 milyon, P523.80 milyon sa mga tulay at P652.76 milyon sa flood control structures.

Sa Cordillera Administrative Region aabot sa P227.02 milyon ang pinsala sa imprastraktura, P58.40 milyon sa Region 1, Region 2 na nasa P61.03 milyon, Region 3 na aabot sa  P54.50 milyon, Region 4-A na nasa P967.09 milyon, Region 4-B na may P130.40 milyon, Region 5 na may P74.83 milyon, Region 6 na aabot ng P150.41 milyon, Region 7 na nasa P8 milyon, Region 8 na aabot sa P60 milyon, Region 12 na may P102.68 milyon, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na umabot sa P200 milyon.

Samantala, sarado pa rin sa motorista ang ilang road sections sa Cordillera Autonomous Region (CAR), Regions 2, 3, 4-A, 6, 8, 12, at BARMM dahil sa mga nasirang pavement/slope protection, naputol na kalsada, bumagsak at nasirang tulay, pagbaha, bumagsak na debris, at iba pa.

Inatasan na ang DPWH Quick Response Teams na bilisan ang ginagawang clearing operations sa naturang mga saradong kalsada habang tiniyak naman na may mga nakalagay na warning signs at barikada para sa kaligtasan ng publiko.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.