Bagong kaso ng COVID-19 sa Bontoc, nasa 57 na

Nilinaw ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na 57 na ang nagpostibo sa COVID-19  sa Bontoc Province.

Ayon kay Vergeire, kasama sila sa natukoy na 369 na unique close contacts ng mag-asawang balikbayan mula sa United Kingdom.

Sa naturang bilang, 233 ang sumailalim na sa RT PCR test kung saan 57 na ang nagpositibo habang 41 ang nakabinbin pa rin ang mga resulta ng pagsusuri.

Nasa 12 naman ang nagpostibo sa UK variant mula sa 57 na na-swab at nagpositibo sa COVID-19.

Habang mayroon pang 41 na nakabinbin ang resulta  at ang iba pang nagpositibo sa RT-PCR test ay nakasalang na sa genome sequencing  ang mga nakuhang sample at maaaring ilabas ang resulta sa Lunes.

Samantala ayon pa kay Usec Vergeire na nasa  dalawang libo na ang natest ng lokal na gobyerno sa Bontoc at Sagada kaugnay sa pagtaas ng COVID-19 kasama ang pagkalat ng UK variant sa Bontoc.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.