Back-to-back na tagumpay sa mixed martial arts, nakamit ng isang taga Taytay

Share this information:

KAMAKAILAN ay binigyang pagkilala ni Taytay Mayor Joric Gacula ang pinakabagong dangal ng bayan ng Taytay na si Coach John William Tirona.

Ito ay makaraang makasungkit si Tirona ng magkasunod na dalawang medalya sa ilalim ng dalawang weight divisions sa nilahukan nitong kumpetisyon ng International Mixed Martial Arts Federation (IMMAF) at Philippine MMA Federation (PMMAF) na ginanap sa Parañaque City nito lamang nakaraang linggo.

Giit ni Gacula, na isa ring atleta (target shooting), malaking bentahe ang makilala ang Taytay sa larangan ng palakasan bukod pa sa pagiging “Garments Capital of the Philippines.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.